Mag-iisang buwan na yata ako inuubo. Nagpatingin na ako sa doktor mahigit isang linggo na nakaraan. Uminam naman lagay ko kaso inuubo pa rin ako. Minabuti ko na magpatingin uli. Dahil sa matagal na ubo ko, minungkahi ng doktor na magpa-xray na ako.
Medyo nabahala yung doktor sa nakita nya sa xray. Syempre nahawa ako sa pagkabahala nya. Hindi daw pantay ang lai ng magkabilang baga ko. Saka parang may nakikita daw syang TB! Ipapatingin nya daw sa radiologist para sigurado at pinapakuha ako ng yung xray film ko at ikukumpara. Kung hindi daw TB baka asthma daw.
Wag naman daw sana TB. Kasi mahabang gamutan yun. Anim na buwan! Wala naman akong sintomas ng TB tulad ng lagnat sa hapon o madaling mapagod. Puti naman plema ko. Ayaw ko magka-TB. Ang jologs naman ng sakit na yun! Kaso ayaw ko rin magka-asthma! Mahal daw gamot kapag may asthma.
Binigyan nya muna ako ng ibang gamot. Sa linggo babalik uli ako pero dapat dala ko yung luma kong chest xray. Paano kung ndi ko na makuha yun? Haaaaay…
May pakiramdam ako na mali lang pagkakuha ng xray. Pakiramdam ko ndi ako nakahinga ng malalim habang kinukunan. At saka hindi ko napantay ang lapit yung balikat ko sa plate. Sana nga nagkamali lang sa xray.
At least normal pa BP ko.