Bago ko simulan ikwento yung mga pinaggagawa namin sa Sagada. Sasaguting ko muna ang ilang tanong ng mga kaibigan ko sa akin tungkol sa lugar tulad ng: Ano mga pagkain doon? Puro gulay ba? May CR ba dun? San kayo tumuloy? Malamig ba talaga?




Ito ang sample ng mga pagkain sa Yogurt House
Mga normal po na pagkain ang pwedeng kainin doon. May pasta, vegie salad, pork, chicken at fruits. Maraming makakainan doon. Nandyan ang Masferre, Shamrock, Bamboo Grill, at syempre ang Yogurt House. Nagseserve din ng fud sa ibang inn, tulad ng D’Olabinan. Kaso ang taray nung babae dun.
Sibilisado naman sa Sagada. May kuryete 24 hrs. Yung signal ng Globe, 6am-7pm nga lang. Yung sa Smart, malakas signal. May mga internet shops na rin. Di ko nga lang nasubukan.
Sa Yogurt House, napagkasunduan naming pasyalan ang Sumaguing Cave ng hapon din na yun. Hindi namin alam ang naghihintay na challenge sa amin. Ika nga, ‘It’s not a walk in the park!’
Bago kami dumating sa Sumaging Cave, itinuro sa amin ng guide ang mga Hanging Coffins na makikita mula sa daan. Malayo talaga sila. Naka-super zoom lang yung camera. Ganito daw ang paraan ng paglilibing nila noon. Dahil Kristyano na sila, nabago yung tradisyon nila.
Sa simula, parang madali lang pasukin yung kweba. May hagdan kasi. Pero pagdating sa loob, ilang beses ako muntik madulas at mahulog! May parts nga na pinatago muna sa amin yung mga camera namin kasi baka masdelikado kung picture kami ng picture. Basta kapit lang sa lahat na pwedeng kapitan kahit may pupu pa yung ng paniki.
Maganda naman talaga sa loob lalo na kung yun ang trip mo. Pwede din magswimming sa loob kung marunong ka lumangoy. Medyo nakakapagod nga lang. Imagine! Dalwang oras kami papasok at palabas ng kweba! Sa pagod ko nga lagi ko kinukulit yung guide kung malapit na e. Pero mabuti naman at natapos namin lahat yung challenge na yun. Walang nag-back out kahit mahirap.
Bukas na post yung pictures sa falls…










